Linggo, Setyembre 18, 2016

Dapat pa bang magplano?

Iniisip ko minsan kung dapat pa bang magplano ng buhay. Dapat pa bang ilista ang mga pangarap? Dapat pa bang mangarap?

Ilang beses nang naudlot ang mga plano ko, yung graduation ko, pag-take ko ng LET, pati mga trabaho. Nag-aapply ako, pero alanganin yung timing. Dalawang beses nang ganun. Iniisip ko, wag na lang kaya kong gumalaw?
Haha. Pero hindi ko ginawa yun syempre.

Pag binabalikan ko yung mga naging delays sa buhay ko, nakikita ko yung magandang plano ng Diyos sa mga yun. Seryoso. Kung ano yung panlulumo ko noon nung di natupad ang plano ko, bawing-bawi pagkatapos kong maranasan at maintindihan yung mas magandang inihanda ng Diyos para sa akin. :) Best sem ko nung college ay yung extra sem ko na dulot ng pagka-delay. Naging maganda resulta ng LET ko. Thank You Lord! At sa trabaho naman, naging sobrang fulfilling. :) Kung iisipin, walang-wala yung mga plano ko noon sa mga pinaranas sa akin ng Diyos!

Ngayon, eto na naman. Sanga-sanga na naman ang mga plano ko at gustong gawin. Hindi ko na naman sigurado kung ano na nga ba ang next step sa buhay ko. Alam ko namang matagal pa ang decision making, pero nag-iisip na naman ako. Nagpaplano. Kahit alam ko namang di naman porke pinlano ko e matutupad talaga. Minsan nakakapanlumo talaga lalo pag di nangyayari ang gusto ko.

Pero sa totoo lang, alam ko namang kahit ano pang plano ko, pinakamaganda pa rin ang plano ng Diyos. Haaay, buti na lang. Buti na lang alam ng Diyos ang pinakamainam para sa atin. Kung hindi, napakahirap siguro gumalaw kasi walang katiyakan at mahirap ding maka-get over sa mga bigong plano haha buti na lang talaga, Lord. Salamat po!


Okay, balik sa tanong. Dapat pa bang magplano?

Ang sagot ko, okay lang. Walang masama na magplano tayo para sa hinaharap. Ang gusto nga ng Diyos e pinag-iisipan nating mabuti ang mga pinapasok natin. :) Magiging negatibo lang siguro ang pagpaplano kung masyado tayong nakasandig sa plano natin at kinalimutan na nating may mas magandang plano ang Diyos para sa atin.

Ayun lang naman. Anuman ang plano natin sa buhay, anumang pangarap, itiwala natin sa Diyos ang lahat ng yan, at tutuparin nya yan ayon sa kanyang kalooban. At yun ang pinakamainam na pwedeng mangyari sa ating mga buhay. Wag na tayong mag-overthink. Marami pang mangyayari. Marami pang inihanda ang Diyos para sa atin. Ooooh.

Yehey! Thank You Lord! :)

Sabado, Nobyembre 21, 2015

Uy girl, kumusta ka na?

Kumusta araw mo? Anong nararamdaman mo? Anong nagpasaya sayo? May pinanghihinayangan ka ba? Nagpakatotoo ka ba? Binigay mo ba ang best mo? Naging mabuti ka bang kaibigan, titser, anak, kapatid, o pasahero? Na-share mo ba ang dakilang pag-ibig at Salita ng Diyos?
Kinilig ka ba ngayong araw? Nakita mo si crush? Kailan ka huling umakyat ng bubong para mag-stargazing? May bago ka bang cut-out painting? Ano pinagkuwentuhan niyo ni Cha kanina? Tapos na ba yung librong binabasa mo? Ubos na ba labada mo? Naglinis ka ba ng kwarto? Nabawasan ba santambak mong papel?
Kumusta na ang relasyon mo sa Diyos?